The Mad Reader

Facebook Goodreads Tumblr Twitter
1   2   3   »

SRC Sanctuary

To all SRC Fans out there! Do Like this page and visit… It’s the first SRC RP Group ever!

Stallion Series 48: Reiven Alleje
“Shut up and kiss me if you want to make it up to me.”Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Venezuela. At nabalitang patay na ito.Ngunit kung ang mga mata ay nagkakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!

Stallion Series 48: Reiven Alleje

“Shut up and kiss me if you want to make it up to me.”

Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Venezuela. At nabalitang patay na ito.

Ngunit kung ang mga mata ay nagkakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!

Stallion Series 47: Myco Gosiaco 2
“My senses told me to stay away from you. Pero lapit naman nang lapit ang puso ko.”Olympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito?
Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?

Stallion Series 47: Myco Gosiaco 2

“My senses told me to stay away from you. Pero lapit naman nang lapit ang puso ko.”

Olympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito?

Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?

Stallion Series 46: Myco Gosiaco 1
“Hindi ko hahayaang maramdaman mo na mag-isa ka. I want to stay here with you and I know I’m doing the right thing.”Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.
Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?

Stallion Series 46: Myco Gosiaco 1

“Hindi ko hahayaang maramdaman mo na mag-isa ka. I want to stay here with you and I know I’m doing the right thing.”

Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.

Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.

Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?

Stallion Series 44: Richard Don Robles
“How could I look at another girl when you already lassoed my heart?”Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa’t isa.
She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.
She shouldn’t underestimate him. He was a very dangerous enemy.

Stallion Series 44: Richard Don Robles

“How could I look at another girl when you already lassoed my heart?”

Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa’t isa.

She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.

She shouldn’t underestimate him. He was a very dangerous enemy.

Stallion Series 42: Danrick Tezzoro
“Alam ko na kaligayahan mo na maging masaya ako. I’ll do everything to make you happy.”Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya — si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.

Stallion Series 42: Danrick Tezzoro

“Alam ko na kaligayahan mo na maging masaya ako. I’ll do everything to make you happy.”

Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.

Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya — si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.
Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.

Stallion Series 41: Mark Ashley Camello 

Stallion Series 41: Mark Ashley Camello 

Stallion Series 38: Zairo Montevedra
Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs. Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Di hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only on name for her: trouble.But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn’t resist him.

Stallion Series 38: Zairo Montevedra

Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs. Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.

Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Di hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only on name for her: trouble.

But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn’t resist him.

Stallion Series 37: Eizhiro Figueroa
“Dahil sa iyo, ayoko nang magalit. Ayoko nang magtanim ng sama ng loob. Ang gusto ko na lang ay magmahal.”Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. 
Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.
“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.
Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan.
Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?

Stallion Series 37: Eizhiro Figueroa

“Dahil sa iyo, ayoko nang magalit. Ayoko nang magtanim ng sama ng loob. Ang gusto ko na lang ay magmahal.”

Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.
Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana.

Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.

“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.

Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan.

Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?

Stallion Series 35: Joziah Gatchalian
Si Joziah ang isang bahagi ng nakaraan ni Brescia na ayaw na niyang balikan. Subalit paano kung ito mismo ang sumunod sa kanya para muling mahalin siya.
Handa nang itama ni Joziah ang lahat ng mali sa pagmamahalan nila noon. Kaya ba niyang tanggapin ang pagmamahal nito? Kaya rin ba niyang itama ang lahat at ihayag dito ang lahat ng sekretong itinatago niya sa kanyang puso?

Stallion Series 35: Joziah Gatchalian

Si Joziah ang isang bahagi ng nakaraan ni Brescia na ayaw na niyang balikan. Subalit paano kung ito mismo ang sumunod sa kanya para muling mahalin siya.

Handa nang itama ni Joziah ang lahat ng mali sa pagmamahalan nila noon. Kaya ba niyang tanggapin ang pagmamahal nito? Kaya rin ba niyang itama ang lahat at ihayag dito ang lahat ng sekretong itinatago niya sa kanyang puso?